Home » Featured, Headline, Politics

President Noynoy Aquino’s Speech on His 1st Year in Office: The Truths behind the half-truths

30 June 2011 No Comment

President Aquino’s Speech (this is exactly what President Benigno S. Aquino III said during his speech before the public today, 30 June 2011, his first year in office. I deconstructed the speech. I made some research to see if President Aquino really did what he claimed in his speech.

For me the speech is rather weak, in the sense that it did not really revealed much–it is full of rhetoric and none of the expected things which the People wanted to hear—his progress against graft and corruption, his attempts at managing the economy, job prospects.

Here is the speech:

Mga minamahal ko pong kababayan,

Aquino’s Speech: Isang taon na rin nga po pala ang lumipas. Naaalala pa po kaya ng lahat ang pinagdaananan na po natin? Dati, kapag nakarinig ka ng wangwang sa kalsada, wala ka nang magawa, hindi ho ba, kundi tumabi.

 

Truth: There are still legislators violating this foremost of whom is Vice President Jejomar Binay, the second highest official of the land. See these links: http://www.spot.ph/the-feed/46025/binay-convoy-captured-on-tv-violating-traffic-rules/1/2 and http://hot-vehicles.com/video/video/4C33Ehp21EA/Jejomar-Binay-Lumalabag-sa-Batas-Trapiko-Nagdadahilan-pa.html

Point 2: Ang pinakamatayog mong pangarap ay makakuha ng VISA para makapagtrabaho sa ibang bansa.

 

Truth: According to POEA and BID records, more than 3,800 Pinoys still leave the Philippines for abroad. See this link: http://www.pinoypress.net/2008/11/10/labor-migration-in-the-philippines-a-dangerous-doctrine/

Point 3: Matutulog ka nang mahimbing sana, ngunit gigisingin ka ng bahang halos umabot na sa iyong higaan, dahil wala man lang babalang ipinaabot sa iyo ang PAGASA.

 

Truth: See this link. 27 people died in Davao because PAGASA failed to accurately predict the weather in Mindanao. The recent flash floods and destruction to agricultural farms worth 800 million pesos could have been avoided had PAGASA gave an accurate prediction. http://interaksyon.com/article/7224/death-toll-from-davao-floods-now-27

 

Point 4: Ilan po ba sa atin ang sumuko na at nagsabing wala na sigurong makakamit na hustisya ang limampu’t pitong Pilipinong minasaker sa Maguindanao?

Truth: The Maguindanao massacre suspects enjoy a lavish life inside the jail. The trial for the Maguindanao massacre continues. There are still suspects at large. http://www.abs-cbnnews.com/nation/regions/06/08/10/ampatuan-jail-party-earns-ire-victims-kin

Point 5: Naalala po ba ninyo ang panahon kung kailan kapag may maririnig kang masamang balita, di mo man lang makuhang umiling dahil alam mong may mas masahol pang parating? Noon, sabay-sabay ang mga Pilipinong nagbuntong-hininga: tiisin na lang natin, tutal patapos na rin naman ito.

Truth : Yes. That’s why many 7 out of 10 Filipinos are still willing to wait and not judge Pnoy in haste because they waited for nine long years for salvation. See link: http://www.abs-cbnnews.com/nation/06/22/11/7-out-10-pinoys-still-trust-pnoy-%E2%80%93-pulse

Point 6: Di po ba’t nabigla tayong lahat nang umangat ang ekonomiya bago mag-eleksyon noong isang taon—iyon po pala, kaya umangat, nakaantabay na, hindi lang tayo kundi ang buongmundo, sa pagbaba ng administrasyong Arroyo, at sa napipintong pagtatapos ng kalbaryo ngPilipino.

Truth: The economy is still in shambles. According to Bloomberg, the Philippine economy grew at the slowest pace since 2009. See link: http://www.bloomberg.com/news/2011-05-30/philippine-economy-grew-4-9-in-first-quarter.html

Point 7: Di po ba’t parang kahapon lang nang iabot ninyo sa akin ang naghihingalong liwanag ng pag-asa, at tinawag ninyo ako upang ipaglaban ang atin pong daang matuwid?

Truth: Yes, the Filipino gave you the biggest mandate in the electoral history of the Philippines: http://www.csmonitor.com/World/Asia-Pacific/2010/0511/Benigno-Aquino-son-of-beloved-president-leads-Philippine-election-results-2010

Point 8 : Sa panahon pong tinawag ako ng taumbayan, ni isang karatula o polyeto ay wala pa po akong naiimprenta, dahil alam naman po n’yo, wala po talaga akong kabalak-balak tumakbo. Hindi ko po inambisyon na sagupain ang dambuhalang problema na ipapamana ni Ginang Arroyo—mga problemang pilit kong hinadlangan noong nasa Kamara de Representantes tayo, at sa Senado pa lang ako.

Truth: Then Senator Aquino supported some of the laws proposed by former president Arroyo.

Point 9: At nakita ko na rin naman, sa karanasan ng pumanaw kong ina, kung gaano kabigat ang tungkulin maging isang Pangulo, lalo pa kung mamanahin niya ay sistemang nilapastangan. Tinanong ko ang aking sarili: kakayanin ko kayang kumpunihin ang lahat ng ito?

Malalim ang pagmumuning dinaanan ko bago tumugon sa inyong panawagan. Ngunit nang abutan po ako ng garapong puno ng barya para lamang makatulong sa kampanya; nang salubungin ako ng madlang di man lamang makabili ng payong na panangga sa init ng araw; nang sinabi ninyo sa aking hindi ako nag-iisa—hindi ko po itong masikmurang tanggihan. Hindiko po kinayang sabihin na, “pasensya na kayo, naduduwag po ako, at gusto ko pa sanang humaba ang buhay ko.” Ang sinabi ko po noon: Pilipino, kasama mo ako. Itutuwid natin ang baluktot, tatanggalin natin ang tiwali, at itatama natin ang mali.

Truth: All rhetoric, written to appeal to the emotions and elicit smiles to ease the succeeding half-truths in the entire statement.

Point 10: Narito po tayo ngayon, isang taon matapos markahan ang wakas ng pamahalaang bulag at bingi sa hinaing ng kanyang mamamayan. Ipinasa po sa atin ang isang tahanang lumulundo ang kisame at bitak-bitak ang mga pader. Kinahoy na nga po ang mga muwebles, ipinangutang pa ang pamalit. Ang masaklap niyan, alam kong mamanahin natin ang mga utang na iyon, sampu ng lahat ng dumi na ikinalat nila.

Ang pinangangambahan nating pangit na daratnan, mas sukdulan at kasuklam-suklam pa pala ang tunay na kalagayan. Halimbawa: mula taong 1972 hanggang taong 2000, umabot sa 12.9 billion pesos ang utang ng NFA. Nang dumating si Ginang Arroyo, sa loob lamang po ng isang taon, o 2001, naiangat niya ang utang na iyan sa 18 bilyong piso. Ulitin ko lang po: Mula 12, isang taon na lumipas, naging 18 bilyong piso ang pagkakautang ng NFA. Hindi pa po siya nakuntento; pagbaba niya sa puwesto, ‘yung dating 12 billion na minana niya, nasa 177 billion pesos na po ang utang na ipinamana sa ating lahat. Isanlibong porsyento at mahigit pa ang itinaas ng utang ng NFA: record-breaking po talaga ang ginawa nilang pagbabaon sa atin sa utang, hindi ho ba?

Truth: This is correct.

Point 11: Ganitong uri ng administrasyon ang humihikayat sa ating kilalanin ang kanilang mga nagawa, at tumuntong sa kanilang mga balikat. Ganitong uri ng administrasyon ang nagsasabing wala daw pagbabago, at sa malalim na bangin lamang tayo dadalhin ng tuwid na daan. Magpapaloko po pa ba tayo sa pagpupumilit nilang padudahin tayo, para sa pagkalito natin, magkaroon ng puwang na bumalik ang lumang sistema?

Truth: This is correct.

Point 12: Hindi na po ako magsasayang ng panahon para makipagbangayan sa kanila. Nagpapasalamat na lamang po ako sa pag-amin ni Ginang Arroyo na di umano’y kabaliktaran raw niya ako. Sa wakas, magkasundo rin po kami. Talagang magkabaliktad po kami.

Truth: This has to be proven because in the past year, Noynoy has exhibited the same errors the former dispensation

Point 13: Dahil hindi na nga po ako sasagot, hahayaan ko na lamang tumugon ang 21,800 pamilya ng sundalo at kapulisan na maaari na ngayong magkaroon ng disenteng tahanan bago matapos ang taong ito.

Truth: This has to be realized. There is no truth to the assertion that these soldier have their own homes already.

Point 14: Dalawang linggo po, o halos dalawang linggo, inaasahan ko na tutuparin ng NHA na 4,000 doon sa unang 21,000 iyan ang ipagkakaloob na natin sa mga nararapat na kawani po ng gobyerno na bibilang sa hanay ng kapulisan at kasundaluhan—at umpisa pa lang ho iyan.

Truth: The president just corrected himself and revealed the truth—this project has not started yet.

Point 15: Hahayaan ko na lang tumugon ang mga maralitang kababayan nating nakarehistro na sa Conditional Cash Transfer program. Apat na araw mula ngayon, sasaksihan ko po mismo ang paglagda ng ika-dalawang milyong benepisyaryo ng CCT. Uulitin ko lang po, 2 million na po ang na-i-enroll natin sa CCT pagdating ng July 4.

Truth: The Aquino wants an additional 1.4 billion php for the program. The DSWD already spent 21.9 billion for this program. The Senate wants to review the program if it is really effective in combating poverty:  http://www.philstar.com/Article.aspx?publicationSubCategoryId=63&articleId=692862

Point 16: Hahayaan ko na lang din pong tumugon ang halos 240,000 magsasaka na nakikinabang na ngayon sa mahigit 2,000 kilometrong farm-to-market roads na nailatag natin sa loob lamang ng isang taon.

Truth: Where? Where are these roads?

Point 17: Sila nga po ang tanungin natin? Di ba’t malinaw ang pagbabago? Noon pong isang taon, barko-barkong toneladang bigas ang inaangkat, at katakut-takot din ang gastusin sa mga bodegang pinagtatambakan nito. 1.3 million metric tons lang po ang kailangan natin pampuno sa kakulangan ng ating ani, pero umangkat sila ng dalawang milyong metriko tonelada. Ngayon po, halos kalahati na lang ang inaangkat nating 660,000 metriko tonelada.

 

Truth: IN reality, the NFA granted to a Chinoy businessman, 800 metric tons of imported rice.

Point 18: Hindi po tayo nag-magic para dumami ang bigas na inaani natin dito: itinutok lang po natin angpondo ng irigasyon sa kung saan ito pinakamura at mabisa; pinalawak ang paggamit ng maiging klase ng binhi; at pinalawig din ang upland rice farming. Lahat po ito, nagdulot ng dagdag na labinlimang porsyento sa ating inani noong huling taon, at ng pinakamataas na ani sa kasaysayan ng dry season cropping. Pasensya na po kayo, bihira lang ako magtayo ng sariling bangko: 1.3 million tons kulang natin taon-taon. Itong unang taon natin, ang aangkatin 800,000—para may konting reserve—pero 600,000 tons na lang ang kakailanganin natin. (Kailangan pong i-irrigate ang atin pong lalamunan.) Palagay ko po, sa 2013, talagang pupurihin ko kaliwa’t kanan si Secretary Alcala pag totoo nga po na self-sufficient sa rice na tayo sa 2013.

Truth: The president contradicted himself here.

Point 19: Noon pong isang taon, ilan po ba sa atin ang nangahas mangarap na ang bigas na ating isasaing, dito rin sa Pilipinas itatanim, aanihin, at bibilhin. Mukhang pong matutupad nga: nasabi ko nang ipinangako ni Secretary Proceso Alcala (dinidiin ko po para maalala natin lahat kung sino nangako) na bago matapos ang 2013, hindi na natin kailangan pang mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.

 

Truth: The NFA will still import rice for this year until 2016. Besides, if Noynoy Aquino is correct that we had a bumper year, why are prices of rice still very high?

Point 20: Mantakin po ninyo: dahil sa tamang paggugol at pagtapal sa mga sugat sa sistema na tinatagasan ng pera ng bayan, nakalikom tayo ng dagdag na pondo upang magpatupad ng mga programang higit pa sa napaglaanang pondo sa ating General Approprations Act. Nagawa natin itong walang itinataas na buwis.

 

Truth: Government just allowed the raising of toll fees. Toll fees are forms of taxation. seehttp://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/04/15/11/new-skyway-toll-rates-take-effect-april-25

Point 21: Labindalawang bilyong piso na po ang tumutustos sa ating mga pangangailangan: mula sa Pantawid Pasada sa mga pampublikong sasakyan na tinamaan ng pagtaas ng presyo ng langis;

 

Truth: The Pantawid Pasada is a new program. The results have yet to be known.

Point 22: …hanggang sa pampasahod ng 10,000 nurse na nakadestino sa mga maralitang lalawigan

Truth: This program is new. The public does not know about this.

Point 23: mula sa pambili ng mga modernong barko na magtatanod sa ating mga baybayin;

Truth: Where? The Philippine Navy has the oldest warship in Asia. See this http://www.globalsecurity.org/military/world/phillipines/navy-equipment.htm

Point 24:  hanggang sa marami pang ibang mga programa at proyektong totoong napapakinabangan ng kabuoan ng atin pong bansa.

Truth: Huh? Where? I don’t see it. Do you?

Point 25: Isipin na lang po ninyo kung hinayaan lang natin ang walang-saysay na paglustay sa kaban ng bayan. Baka po naglalakad na lang ang mga tsuper natin. Baka po ang mga nakaratay sa mga lalawigan ay nananatili pang ngumunguya ng dahon para lunasan ang kanilang mga karamdaman. At baka po patuloy na ngang miski mga isda ay hindi man lang masindak sa ating Hukbong Pandagat.

Truth: According to Jane’s estimate, the authority in security matters, the Philippines has the weakest and the smallest navy in Asia. The Rajah Humabon is a WW11 RELIC. http://newsinfo.inquirer.net/16409/on-sending-philippine-navy%E2%80%99s-biggest-warship-to-spratlys

Point 26: Pabahay, bigas, seguridad, pasahod, kalsada, pantawid pasada, at salbabida para sa mga kababayan nating nilulunod ng kahirapan: iyan po ang pagbabagong inaani natin ngayon.

 

Truth: Recent estimates show that poverty incidence rose (http://www.nscb.gov.ph/sna/2011/1st2011/2011qpr1.asp and http://www.nscb.gov.ph/poverty/2009/Presentation_RAVirola.pdf. There are an estimated 29 million Filipino families in dire poverty today.

 

Point 27:  Alam naman po ninyo, hindi naman po natin nahukay ang kayamanan ni Yamashita para maipatupad ang mga ito. Hinabol lang po natin ang mga tiwali sa gobyerno, itinama natin ang pag-gugol ng pera, at itinuwid natin ang mga baluktot sa sistema.

 

Truth: There is no big fish caught during the 12-month period.

Point 28: Tingnan nga po lang natin ang ginawa nila sa Philippine National Construction Corporation: ni hindi nga po nila magawang mag-remit ng disenteng kita sa taumbayan, may kapal ng mukha pa silang umentuhan ang kanilang mga sarili.

 

Truth: This is true.

 

Point 29: Limang pahina po ang memo na ipinasa sa akin ng bagong mga opisyal ng PNCC, na nagdedetalye ng mga katiwaliang kanilang naungkat at isinasaayos: mula sa mga walang-katuturang posisyon na pinasasahuran ng kalahating milyon kada buwan, hanggang sa mga cellphone plan na wala namang silbi sa kanilang katungkulan; mula sa mga kagamitang ibinebenta ng palugi para lamang di umanong kumapal ang kanilang bulsa, hanggang sa mga inimbento nilang fixed allowance na hindi bababa sa siyento mil kada buwan; lahat po iyan ay itinigil natin. Kaya naman ang dating monthly expense na 22 million pesos, naibaba na natin sa 11 million pesos.

Truth: This is correct/

Point 30: Isa pa pong halimbawa itong kalokohang natuklasan natin sa PCSO. May pera sila para mag-over-budget sa patalastas na nagbabalandra ng mukha ng kung sino-sinong politiko sa telebisyon, pero wala silang pera para magbayad ng tatlong bilyong pisong utang sa mga ospital ng gobyerno. Dahil sa utang na di mabayaran—dahil sa katiwalian—ang mismong ospital na pinopondohan ng gobyerno, ayaw nang tanggapin ang garantiya ng kapwa nila sangay ng gobyerno. Isipin po n’yo iyon, itinayo, ‘di ba, Philippine Charity Sweepstakes Office—iba ho ang ginugulan ng charity.

 

Truth: This has to be proven. The statistics being presented by Margie Juico are at best suspect because the PCSO head herself committed nepotism and graft and corruption in her present term. The Senate will investigate. It is too early to say if these figures are true.

Point 31: Di po ba’t sasakit din ang batok ninyo sa kalakarang ito? Pagsisiwalat sa kalokohan, sa halip na pakikisawsaw sa katiwalian: ito po ang pagbabagong sinasabi natin.

Truth: There are many Aquino officials now involved in nefarious activities in at least four (4) agencies of government, including the Bureau of Customs.

Point 32: Alam ko rin pong marami sa atin ang nag-aapurang anihin na ang mga bunga ng naipunla nating reporma. Di ko naman po masisi ang taumbayang, dumaan sa isang dekada ng katiwalian, at ayaw nang maniwalang posibleng magkaroon ng gobyernong handang tumahak sa tuwid na daan.

 

Truth: This is not correct.

 

Point 33: May ilan pong nahihirapang mapagtanto na kailangan nating magtulungan, magsaluhan, at mag-ambagan para maabot ang ating mga mithiin. Alam ko po ang pinanggagalingan ninyo: Ako man po ay nangangarap na bukas makalawa ay magising tayong may solusyon na sa bawat problemang minana natin. Ngunit alam ko pong mulat din kayo na wala ring maitutulong ang mabilisan, ngunit walang bisang solusyon. Kailangan ang maingat na paglalatag ng reporma, ang pagsigurong epektibo ang ating mga programa, at ang pangmatagalang mga tugon na hindi na magpapamana ng problema sa susunod na salinlahi.

Simple lang naman po, hindi ba? Nakita naman natin kung paano tayo nagdusa noong nakaraan, at nakita rin natin ang situwasyong gusto nating makamit sa kinabukasan. Di po ba’t ngayon, buong-loob na nating pinupunan ang puwang sa pagitan ng mga tagang “sana” at ng “kaya,” at nakikilahok na rin ang bayan upang ang ating mga mithiin ay maabot na nating lahat sa wakas? Di po ba’t ngayon, nasaang panig man tayo ng usapan, ang nagbubuklod pa rin sa atin ay malasakit para sa bayan? Ngayon po, bawat kibot natin, nasusundan na. Nagtataka ako: kung may isyu at magtikom ka ng labi, di maubos ang batikos sa akin. Kapag naman naghahayag ka ng kuro-kuro, pakialamero ang bansag sa akin. Kulang na lang po, kung minsan iniisip ko, hatiin ko ang aking katawan at maging manananggal na lang po ako para mapagbiyan ang lahat ng bumabatikos sa akin. Pero iyon po kasi, tanda lamang talaga na mayroong mga tao, ayaw nilang gumanda ang atin pong inang bansa.

 

Truth: This is not true. The reason why certain groups have distanced themselves from Aquino is the fact that the President peopled his administration with his classmates, relatives, friends and shooting buddies.

Point 34: Sinabi ko po sa inyo noong araw: kung walang corrupt walang mahirap. Katumbas ng tamang pamamahala ang direktang benepisyo sa taumbayan, lalo na sa mga kapos po sa buhay: bawat tableta ng gamot na pinopondohan ng gobyerno para sa ating maralitang kababayan, bawat pulgada ng kalsada, bawat pagkakataong makahanap ng disenteng pagkakakitaan—lahat po iyan ay bunga ng integridad at malasakit ng inyo pong pamahalaan na nakikipagtulungan sa sambayanan. Maliwanag po ang patutunguhan natin, at diretso tayong tutungo po doon. Ang serbisyong nakalaan para sa inyo ay dumarating sa inyo: hindi napupunta sa bulsa ng mga naghahari-hariang kung tinignan ampaw naman pala.

 

Truth: This has to be proven. It is too early to say if the Aquino administration is not committing graft and corruption. Fact is, according to Transparency International , graft and corruption see link: http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=510491

Point 35: Malayo na po ang narating natin sa loob lamang ng isang taon. Isipin na lang po ninyo kung gaano pa katayog ang mga maaabot natin sa susunod na limang taon. Saksi ang Pilipino at ang buong mundo: Nagbubunga na ang pagbagtas natin sa tuwid na landas. Ngayon pa ba tayo aatras?

Sinisikap pa rin pong buwagin ng mga tiwali ang pananalig na nagtulak sa aking tumugon sa inyong panawagan, at nagbunsod sa ating tagumpay noong nakaraang halalan. Inaasahan po natin ito, at alam kong nasa likod ko po rin kayo sa pakikipagsagupa natin sa mga mapang-api. Sinabi ko po dati: kayo ang aking lakas, ang lakas na bukal ng mga tagumpay na inaani na natin ngayon, at ng tuluyan at napipinto nating pagpitas sa katuparan ng atin pong mga pinapangarap.

Hindi kailanman magbabago po ito. Kayo pa rin ang boss ko. Iyong unang taon po ay puwede na rin ‘yung nagawa natin. Pero ‘yung susunod na taon, inaasahan kong lahat ng kawani ng gobyerno, sampu na ng sambayanan, ay lalong magtutulungan—dahil gusto ko pong tumulin nang tumulin, ang pagbabago nating ninanasa na marating ay lalong maging katuparan na.

Magandang hapon po sa inyong lahat. Maraming salamat po.

 

 

Comments are closed.